tabulas.com

About Me

coolitsky's corner

January 12th, 2004

Posted by coolitsky at 02:06 AM on January 12, 2004.

pag-ibig daw ay
walang kata pusan.wala ring
simula o ano mang dahilan.yumabong
itong sa isang iglap lamang,minahal kang
waring walang ano mang hadlang.mga
alaala mo lamang na nakasulat,bina-
balikbalikan, tila isang alamat,
pang-aliw sa pusong may-
roon ng lamat,kahit man
lang sa panaginip,
ikaw
ay
maapuhap.

waring
di pansin
ang aking
mga hibik,
Natatakot
akong ikaw
ay magpa-
gibik,at humi-
ngi ng tulong,
para may
lumapit,
ako ay
nagigipit,
nagwawala
na naman
sa galit si kulit.

kathang isip po lamang ito ng malilikot na diwa ni KKDAW at walang pinatutungkulan.
(parang opinyon, may disclaimer pero may padaplis pa rin )

Add a Comment

Kulturang Pilipino part 3

Posted by coolitsky at 01:57 AM on January 12, 2004.

Kulturang Pilipino ay nakakatutuwa,
Nakakatuwang alalahanin, larong pambata,
Pambata ang piko, tumbang preso at it bulaga,
Bulaga, pambati magbata man o matanda.

Matanda man ay marunong ding magsaya,
Magsaya sa kanila ay magbingo o magsakla,
Sakla sa hapon, gabi hanggang umaga,
Umaga na pag umuwi, nakangiti sa paghiga.

Paghiga naman minsan ay hindi makatulog,
Makatulog man ay dahil sa pagbasa ng kalog,
Kalog na mga komiks, minsan luha rin ang dulot,
Dulot ay suspense, drama at kuwentong nakakatakot.

Nakakatakot nga ang kuwento sa Hiwaga,
Hiwaga rin ang kuwento ng mga kapre at laman-lupa,
Laman lupa sa Pilipinas, 7 dwarfs sa ibang wika,
Wika ng ni Lola Basyang, ako na ay magsisimula.

Magsisisimula siya sa pagsaway sa apo,
Apo raw sa tuhod at hindi ang kumakantang Tatlo,
Tatlo rin ang APO, kilala sa mga himig Pilipino,
Pilipinong Pilipino kahit noong Martial Law.

Martial Law man ang bayan, Pilipino ay tuloy ang buhay,
Buhay sa kanila, pangkaraniwan na araw-araw,
Araw-araw magbatian, hoy ano ba kababayan,
Kababayan, saan ga punta halika at makipag-inuman.

Itutuloy
Currently feeling: nadidighay..burpp

Add a Comment

KUlturang Pilipino (Part 2)

Posted by coolitsky at 01:50 AM on January 12, 2004.

Kulturang Pilipino ay masyadond makulay,
Makulay na tila dyipning maraming sakay,
Sakay na mga tao ay napapaimbay ng sabay,
Sabay awit sa musika, pampaalis ng lumbay.

Lumbay mapapawi sa stereong malakas,
Malakas din ang sigaw ng mamang umangkas,
Umangkas na mama, naalog sa kalyeng butas butas.
Butas na butas na mukha, lalo nang umaskad. (nyek)


Umaskad na mukha, ngiti ang papalit,
Papalit ng anyo, oras na mayroong masilip,
Masilip man lang ang irog, buwan ang kawangis,
Kawangis ay bathala sa mga pusong umiibig.

Umiibig ang Pinoy pag siya ay umaawit,
Umaawit ng kundiman, rap at ibang music,
Music na sarili, ay may indayog na hindi pilit,
Pilit namang kalimutan, muling magbabalik.

Magbabalik ang kahapon, katulad ng mga tingi,
Ito ang pagbili sa kanto na may kasamang hingi,
Hingi din ang bulaklak, ibibigay sa ibig na kasi,
Kasi, matipid, hingi rin pati bawang na kunti.

Kunti man ang pagkaing nakahanda sa lamesa,
Lamesang kainan sa gabi ay nagiging kama,
Kama ay papag nagsisilbi ring salbabida,
salbabidang kailangan lalo inaanod sa baha.
(nyek parang barge)

Baha ay parang piyesta sa aming mga bata,
Bata ay naglalanguyan, parang mga daga,
Daga ang kawangis ng mga maupasala,
Maupasala sa kultura na hangad lang ay tuwa.

Itutuloy
.
Currently feeling: inaantok

Add a Comment

KULTURANG PILIPINO 1

Posted by coolitsky at 01:44 AM on January 12, 2004.

Pilipinong kultura po ay huwag kalimutan,
Kalimutan ninyo na ang inyong mga utang,
Utang na loob sa bansa ay dapat pakatandaan,
Pakatandaang isa lamang ang ating pinagmulan.

Pinagmulan natin ay maliit na bansa sa silangan,
Silangang bansa pinagmulan ng bayanihan,
Bayanihang sumasayaw at nagtutulungan,
Nagtutulungan kahit isang bote at pulutan.

Puluta'y marami, kasama ang pinapaitan,
Pinapaitan, chicharon, pati dinuguan,
Dinuguan na tinataasan ng mga kilay,
Kilay, ibaba, dahil lasa'y walang kapantay.

Kapantay ng ibang nasyon ang ating paglikha,
Paglikha ng awit na nakakatawa at nakakaluha,
Nakakaluha man ay aral ay sagana,
Sagana tayo sa sayaw pati na mga makata.

Makata sa puso ang mang-aawit,
Mang-aawit na sinasaliwan ang tinig,
Tinig nina Florante at Freddie ay kaibig-ibig,
Kaibig-ibig din ang iba, tinig ay galing sa langit.

Langit masasabi pag Filipina ang napangasawa,
Napangasawa man ay Pinoy o taga -ibang bansa,
Taga-ibang bansa ay dumadayo, masilayan lang sila,
Sila na naghuhubog ng mga taong dakila.

Dakila ang mga ina ng mga bayani,
Bayaning namatay para sa ating lahi,
Lahing kayumanggi, sagana sa mga ngiti,
Ngiting nakalaan kahit sa mg umaaglahi.
(Ngiting aso ba)
Currently feeling: nababaliw

Add a Comment

January 5th, 2004

Rigodon

Posted by coolitsky at 02:47 PM on January 5, 2004.

Kagulo, kagulo na ang mga pulitiko,
lipat doon, lipat dito para manalo,
bakit si Osmena ay napunta kay Arroyo,
Bakit si Loren, naman napunta kay Ronnie Poe.

Ahh, para ko nang naririnig si Madam Miriam,
Haba ang nguso at sa boses na mapang-uyam,
Hindi ko matatanggap ang makasama iyan,
Ang iyan na binanggit ay si Loren na kalaban.

Di ba't kailan lang, si Ronnie ay pinagtanggol,
tulad ng asong mabagsik na tahol ng tahol.
Anong masama ikanya, sa taong bopol,
Lahat may karapatang, sa pangarap'y humabol.


Ala, Si Jinggoy naman daw ay lalaban pa rin,
Kahit siya'y di pinili ng ninong pa mandin,
Anak daw sya ng makamasa at maawain,
Tiwala s'yang mahihirap , sya'y tatangkilikin

Si Ping Lacson daw ay tatakbo na ng walang bise,
Walang mga senador na puwedeng kakampi,
Ano ang nangyari at siya 'y hindi nakasali,
Tapos niyang mang-away, sipa s'ya sa KNP.

Alahoy, alahey, Si GMA'y sumasayaw,
Ocho-ocho at F4 , kaniyang sasaliwan,
Habang nag-aaway, kanyang mga kalaban,
Ngiti niya ay 'gang tenga, dasal ay magsabunutan.

Kasaya talaga ang pulitika sa Pinas,
May iyakan, bugbugan,at maraming palabas,
Parang karnibal, maraming kayong mamalas,
May mga payaso, elepante, tigre't ahas.

Ang aking tula lagi nang may nakakatawa,
Istilo kong pagsasaad para ako lumigaya,
Sa tulang ito, ay wala kayong makikita,
Dahil nakakatawa mismo ang pulitika.

Add a Comment

« Newer | »